![]() |
Image Source: SmokeBear |
Ano nga ba ang mas nakakashokot? Ang R.A.10175 ba o ang pangdededma ng mga tao
sa mga batas na isinasampal sa kanila na katulad nito? Walang dudang kailangang matakot tayo sa mga
balasubas na mambabatas at kailangang bantayan natin ang garapalang pagsalakay
sa ating karapatan ng mga ito. Pero
kailangang matakot din tayo sa mga kababayan nating walang pakialam sa
mundo. Sabi nga ni William Osler, isang
Physicist na taga-Canada: “By far the most dangerous foe we have to
fight is apathy - indifference from whatever cause, not from a lack of
knowledge, but from carelessness, from absorption in other pursuits, from a
contempt bred of self satisfaction” Jumising na kayo mga kababayan!
Ang R.A. 10175 o Cybercrime Law ay ang batas na pinirmahan ng
pangulo ng Pilipinas noong September 12, 2012.
Ayon sa chika, ang purpose daw ng batas na to ay para magbigay-proteksiyon daw sa
mamayan laban sa mga tinatawag na “cybercrimes” (Charing!). Para sa mga wiz pa knowing, ang ilan sa mga tinataguriang
cybercrimes ay ang illegal access, illegal interception, data interference,
system interference, misuse of devices, cyber-squatting, iba pang
computer-related offenses na tulad ng computer-related forgery, fraud, theft,
at mga content-related offenses na tulad ng cybersex, child pornography,
unsolicited commercial communications, at libel. Gets nyo?
![]() |
Image Source: Tao Po! (Photo by: Teki Diaz) |
Iba’t-iba ang naging reaksiyon ng mga tao nang lumabas ang
batas na ito. May mga natuwa, may mga nagtaas ng kilay, may mga napatili, may mga na-high blood, at meron din namang mga tumili ng MA-AT-PA! Para sa mga lingusitically challenged sa baklese (gay linggo), ang ibig sabihin ng “ma-at-pa” ay malay ko at pakialam ko. Ang isa sa pinakamalaking
kritisismo ukol dito ay ang kalabuan ng pagkakasulat nitech at ang di-umanong pagsingit
ni Tito Sotto ng seksiyon tungkol sa libel sa huling sandali bago ito
mapirmahan na para bang si Cinderellang naghahabol sa oras bago siya magbagong-anyo sa pagsapit ng hatinggabi. Pati nga ang ibang authors ng
batas na ito ay mega-deny at wala daw silang kinalaman sa pagsingit ng seksiyon
na ito. Maraming tao at mga grupo ang
kaagad na nag-aklas sa paniniwalang ito ay isang uri ng martial law na pailalim
na pinakawalan ng mga mambabatas. Meron
ding ilang lantarang sumasang-ayon sa R.A. 10175 na katulad ni Sharon Cuneta,
halimbawa. At marami din namang
nagkikibit-balikat na lamang sa paniniwalang hindi naman ito maisasatupad. Sabi ng iba, sa dami-dami daw ba ng puwedeng
kasuhan dahil sa cybercime law na ito, magkakasya daw ba ang mga violators sa
kulungan? Wiz!
![]() |
Image Source: Luis Liwanag Blog (Photo by: Luis Liwanag) |
Dahil sa kalabuan ng pagkakasulat ng R.A. 10175, maraming
nagsasabing maging ang simpleng pag-share ng content sa Facebook o ang simpleng
pagla-“like” sa isang post na maaaring taguriang libelous ay maituturing na
ring krimen. Kung ganito nga ang
magiging pagsasatupad nito, obvious naman na hindi nga magkakasya sa bilangguan
ang dami ng magiging potential violators ng batas na ito. But that’s not the point mga tito at tita. Ang point dito, ang
R.A. 10175 ay nagbibigay ng poder sa estado para patahimikin ang sinumang
gustong bumatikos sa administrasyon o sa mga kinatawan nito. In fact, kahit meron pang temporary
restraining order ang batas na ito, nangyari na ang kinashohondakan ng ilan sa
mga kritiko nito.
![]() |
Image Source: SmokeBear |
Ayon sa isang artikulo sa The Inquirer na
inihayag noong October 21, 2012, isang
62-year old na anti-mining activist na nagngangalang Esperlita Garcia ay pinadakip
ng mayor ng kanilang bayan na si Carlito Pentecostes, jr. noong October 18 sa akusasyong
libelous daw ang post nito sa Facebook patungkol sa isang naudlot na rally sa Gonzaga
noong April 30, 2011. Sabi ni Garcia,
kinuwento lang naman daw niya ang mga truliling pangyayari nung araw na naganap ang
rally. Ichinika ni Garcia sa The Inquirer kung paano
siya inaresto. “I am a senior citizen but I was treated
like a hardened criminal. They did not even give me a chance to bathe or change
from my house clothes. They just dragged me into a car,”
ika nya. Matuk nyo 'yun? Eh kung kayo kaya ang kaladkarin papalabas bago kayo makapag-change costume tingnan natin kundi kayo maibiyerna to the max at magtititili nang walang pakundangan. Sige nga? Ang pangyayaring ito, kahit na
idown-play pa ng mga tagapagtanggol ng R.A. 10175 bilang isang isolated incident,
ay nagpapakita ng mga posibleng mangyari dahil sa batas na ito.
Maraming dahilan kung bakit maituturing nating isang malaking
no, no, no ang pagsasabatas ng R.A. 10175. Wiz ko na kailangang isa-isahin pa ang mga dahilang itech sa blog na
ito dahil paulit-ulit na rin naman itong pinag-uututang dila sa maraming blog at
pahayagan. I-google nyo na lang at
madali nyong makikita ang mga chuvanes tungkol dito. Ingat
lang kayo sa pag-share at pag-like at baka ipadampot pati kayo. Maaring isipin
nyo na biro lang ang sinasabi ko, pero huwag nating kalilimutan na maraming
biro din ang nagkakatotoo. Ilang
ESPERLITA GARCIA pa ba ang dapat hulihin para maniwala ang sambayanan na ang
R.A. 10175 ay inilalagay sa panganib ang ating freedom of expression? Kailan natin maiintindihan na sa ating
pagsasawalang-kibo ay unti-unti rin nating kinakatay ang ating mga karapatang
pangtao? Hindi lang ang R.A. 10175 ang dapat sisihin sa
pagkitil sa ating freedom of speech, kasama na dito ang mga taong nagkibit ng
balikat at nagsawalang-kibo. Apathy
kills.
No comments:
Post a Comment