![]() |
Image Source: Tacloban Hotels.com |
Hindi na natapos-tapos ang telenobela ng pangungurakot sa
Pilipinas. At ang masaklap dito, parang nagiging pandayan ng pangungurakot ang
sistema ng gobyerno na kung saan ang mga taong dati mong hinahangaan ay biglang
nagiging bahagi ng mga katiwalian at eskandalo pagkatapos magkaroon ng posisyon
dito. Hindi ko naman nilalahat, siyempre. Marami din namang mga nananatiling matitino. Pero nakakabahala din ang bilang ng mga nauupo sa katungkulan na nagiging bahagi ng kultura ng
pangungurakot. Kung baga, hindi na talaga puwedeng dedmahin na lang ang mga ito.
Kamakailan, naging usap-usapan ang kare-resign lamang na Undersecretary
of Interiors na si Rico E. Puno dahil sa bintang na may kinalaman daw ito sa
pagtatakip ng ebidensiya na maaaring magpatunay sa mga iregularidad na
kinasasangkutan ng Philippine National Police sa mga auction ng firearms. May
mga alegasyon ding kumakalat na may kinalaman daw si Puno sa pagpapalaganap ng ilegal na sugal
na jueteng. Bago pa nangyari ito, napatalsik
naman ang dating Chief Justice na si Renato Corona sa paratang na violation of the constitution and betrayal of public trust dahil sa umano'y hindi paglalahad nito ng tunay niyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Dahil din dito ay kasalukuyan siyang hinahabol ng Bureau Internal Revenue
(BIR).
![]() |
Image Source: Sobriety for the Philippines
|
![]() |
Image Source: Tacloban.com
|
Ang dalawang nakaraang pangulo ng bansa ay nasangkot din sa
kung anu-anong chuvanes at anomalya. Kailan lamang ay nakasuhan ng electoral
fraud ang dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Naging aliwan ng
sambayanang Pilipino ang scandal na tinaguriang “Hello Garci” na kung saan
may sumulpot na voice recording na nagpapatunay na iniimpluwensiya ng dating
pangulo ang resulta ng eleksiyon. Naging malaking usapang-bayan ang iskandalong
ito at totoo naming napakalakas ng entertainment value. Matatandaan din natin
na si Macapagal-Arroyo ang pumalit kay dating pangulong Joseph Estrada nang ito
ay mapatalsik naman dahil sa kasong bribery and corruption.
![]() |
Image Source: HealingEye
|
Parang lumang tugtugin na ang payong ito, pero kailangan pa
ring paulit-ulitin. Kailangan nating
tanggalin ang kultura ng korupsyon sa bansa. Kailangan nating maging
mapagmasid sa kilos ng mga may katungkulan upang ating masigurong parating
nauuna ang kapakanan ng bayan. Kailangan nating tumigil sa pakikipagsayaw sa
mga maling pamamaraan ng mga koruptong opisyal at kapit-bisig nating ipaglaban
ang tama. Kung nais nating umunlad, kailangan nating isipin ang kapakanan ng
nakararami at hindi ng sarili lamang.
No comments:
Post a Comment